5.20.2011

Tagalog Soup For Breakfast ♥

A Good Morning Text for a Chinese Boy with Fat Thumbs But Has No Eyes

Magandang umaga, batang walang mata:)
Pagkabangon ay kumain ka sana:)
Hindi ko man alam ang handa sa inyong lamesa,
ang mahalaga ay kumain ka:)

Maging masaya sana ang araw mo:)
At wag kalimutang may taong tulad ko:)
Na minamahal ka ng buong atay, tiyan, bituka, at balunbalunan:)
Wag ka magalala, dahil syempre mahal din kita, ng buong puso at isipan:)

Medjo makeso man ang mensahe ko ngayong umaga,
sana'y lubos kang natuwa:)
Ano Babe, napa-smile ba kita?:)
Aba kung hindi, ngumiti ka now na, para di ako mapahiya:))

John Rae Mendoza Valiente, mahal na mahal kita:)
Pag-ibig ko para sayo'y:
Parang umaapaw na tubig sa timba,
Mas malaki pa sa aking mga hita,
Mas malinaw pa sa'king malalabong mata,
Tinatamad na ko magisip pero syempre, marami pang iba:)

Minsan lang ako managalog kaya't sinasagad ko na..
Babe, inuulit ko, MAHAL KITA:)
Kahapon, ngayon, at marami pang umaga:*

Sent:
07:44:15am
Today
(LOL)

No comments:

Post a Comment